Noong isang linggo, ipinasa sa akin ang hiling ng isang kaibigan na magsalin ng isang panalangin, “Prayer Before Connection to the Internet” (http://wdtprs.com/blog/a-prayer-before-connecting-to-the-internet/). Isinulat ito ng isang pari sa Latin at isinasalin ngayon sa iba’t ibang wika.
Pumayag naman ako at pinagsikapang magsalin nang mahusay mula sa Ingles (hindi ako nakakaintindi ng Latin) habang minamasdan ang salin sa iba pang wika. Nang matapos, hinilin ko lang na sabihing salin ito sa Filipino, hindi Tagalog, gaya ng gusto ng dayuhang pari. Mas tama ang ganoon dahil Filipino ang pambansang wika ng Filipinas, gaya ng isinasaad sa Konstitusyon at itinuturo sa mga paaralan.
Pero matapos kong ipadala ang panalangin sa pamamagitan ng e-mail, naitanong ko sa sarili: hindi ba’t sa Tagalog ko rin isinalin ang panalangin? Kung hindi, hindi na ba ako nagsusulat at sa Tagalog? Teka, patay na ba ang wikang Tagalog?
Pag-iisip-isipan ko ‘yan sa isang buwan, sa Agosto, na para sa maraming namumrublema ay “Buwan ng Wikang Filipino” at sa iba nama’y “Buwan ng mga Wika.”
Pero bago ko malimutan, narito ang salin ko ng panalangin sa Filipino (kasunod ng salin sa Ingles):
FILIPINO
Isang panalangin bago pumasok sa internet:
Diyos na makapangyarihan at walang hanggan,
na lumikha sa amin ayon sa Iyong imahen
at nagtagubiling hanapin ang lahat ng mabuti, totoo, at maganda,
lalo na sa banal na persona ng Bugtong Mong Anak, ang aming Panginoong Hesukristo,
nagsusumamo kami na Iyong tulungan,
sa pamamagitan ni San Isidro, Obispo at Doktor,
sa aming mga paglalakbay sa internet
na akayin lamang ang aming mga kamay at mata sa nakalulugod sa Iyo
at pakitunguhan nang may habag at tiyaga ang lahat ng kaluluwang makikilala.
Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen
ENGLISH
A prayer before logging onto the internet:
Almighty and eternal God,
who created us in Thine image
and bade us to seek after all that is good, true and beautiful,
especially in the divine person of Thine Only-begotten Son, our Lord Jesus Christ,
grant, we beseech Thee,
that, through the intercession of Saint Isidore, Bishop and Doctor,
during our journeys through the internet
we will direct our hands and eyes only to that which is pleasing to Thee
and treat with charity and patience all those souls whom we encounter.
Through Christ our Lord. Amen.