“Friendster” ang Aking Salita ng Taon 2007

Sa nakaraang tatlong taon, nagtatampok ng mga piling salita ang organisasyong kinabibilangan ko at itinatanghal na “Salita ng Taon” ang mga iyon. Tinatawag itong Sawikaan at ginagawa tuwing unang linggo ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa (ang dating isang linggong pagdiriwang ng kahalagahan ng sariling wika ay pinahaba sa isang buwan pero tinawag naman “Buwan ng Wika” ng Komisyon sa Wikang Filipino).

 

Noong 2004, “canvass” ang wika ng taon, “huweteng” sa 2005, at “lobat” sa 2006. Ngayong 2007, pagpipilian ang mga salitang: abrodista, extra-judicial killing, Friendster, mak-over, miskol, oragon, party list, roro, safety, sutukil, telenobela, at videoke. Labindalawang lahat  at ipaliliwanag ng iba’t ibang estudyante, guro, manunulat at mananaliksik sa programang gaganapin sa Agosto 2-3, 2007 sa UP. Dalawin ang pook-web ng Filipinas Institute of Translation tungkol dito (www.sawikaan.net).

 

Batay sa aking mga nabasang lahok na tumatalakay sa bawat salita, narito ang unang tatlong pinipili ko: 1. Friendster; 2. Abrodista, at 3. Roro.

 

Bakit “Friendster”? Dapat nang kilalanin ang kontribusyong ito (at marami pang iba, gaya ng “blog” na bagaman tinalakay ay hindi napili noong 2006) ng Internet sa wikang Filipino. Malawak ang gamit at malalim ang paliwanag ng sumulat.

 

Pinili ko naman ang “abrodista” dahil isang salitang humuli sa diwa ng paghugos ng mga Filipino sa ibang bansa (Filipino diaspora ang tawag ngayon) para maghanap ng magandang kinabukasan para sa kanilang pamilya at sarili.

 

“Roro” ang aking ikatlong salita dahil isang sistema ito na nagkakawing-kawing sa maraming pulo ng bansa.

 

Pagkaraan ng Sawikaan 2007 sa Agosto 2-3, sisikapin kong talakayin ang mapipiling mga salita ngayong taong ito.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s